|
||||||||
|
||
Zamboanga, mas payapa na ngayon
UNTI-UNTI ng bumabalik ang sigla sa Lungsod ng Zamboanga ngayon at nagbubukas na ang mga tindahan, mga bahay kalakal at iba't ibang tanggapan. Wala nang gasinong naririnig na putukan sa limang barangay na pinagkanlungan ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front mula noong Lunes ng madaling araw. Sumalakay ang mga armado sa mga barangay ng Sta. Barbara, Rio Hondo, Sta. Catalina, Mampang at Talon-Talon.
Ayon kay Msgr. Crisologo Manongas, administrador ng Arkediyosesis ng Zamboanga, patuloy pa rin sila sa paghahanda ng mga pagkain para sa evacuees na nasa tatlong evacuation centers sa Katedral ng Immaculada Concepcion, St. Ignatius of Loyola Parish at St. Anthony Chapel. Naghahanda na rin sila ng mga relief goods para sa mga nasunugan ng tahanan kahapon.
May higit sa 11,000 katao ang nasa Zamboanga Sports Complex. Mga Muslim at Kristiyano ang mga umalis sa kanilang mga tahanan at pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center at mga kaibigan at kamag-anak.
Nagsimula na ring magbiyahe ang mga pampasaherong jeep at tricycle.
Sinabi ni Msgr. Manongas na may balita silang maayos naman ang kalagayan ni Fr. Michael Ufana na nabalitang bihag ng mga MNLF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |