|
||||||||
|
||
Benta ng mga sasakyan, tumaas ng 21% noong Agosto
UMABOT sa 13,700 mga sasakyan ang naipagbili ng mga kumpanyang kasapi sa Chamber of Automotive Manufacturers Association of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association sa buwan ng Agosto kahit pa kilala ang buwang ito bilang "Ghost month."
Ang mga kotse ay bahagyang tumaas ng 1.2% mula sa 5,603 sasakyan sa buwan ng Agosto at natamo ang 5,122 na buwan noong Hulyo. Samantalang ang mga commercial vehicles ay bumaba ng 19% mula sa 10,623 units noong Hulyo, nagkaroon ito ng 8,578 na piraso noong Agosto.
Nakita ang pagtaas ng benta ng mga bus na nagkaroon ng 18% mula sa 157 units noong Hulyo ay naging 185 units na noong Agosto. Kahit pa limitado ang araw ng kalakal dahilan sa mga sama ng panahon, natamo ang 21% pagtaas kung ihahambing ang datos sa natamong benta noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez na umaasa silang target na 210,000 mga sasakyan ang maipagbibili sa taong 2013 na mas mataas sa 182,000 units noong 2012.
Madaragdagan ang benta bago sumapit ang kapaskuhan sa pagpasok ng mga bagong modelo.
Toyota Motor Philippines ang nagtamo ng 40% ng benta, kasunod ang Mitsubisho na may 24%, Honda Cars Philippines na mayroong 8.3%, Ford Motor Philippines ang nagtamo ng 7.2% samantalang ang Isuzu Philippines ay nagkaroon ng 6.6%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |