|
||||||||
|
||
Libreng almusal para sa mga pre-school at elementary pupils, hiniling
HINIHINGI ni Congressman Raul del Mar ng Cebu sa pamahalaan na maglaan ng salapi para sa walang bayad na almusal sa day care centers, pre-school at elementary school pupils sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng House Bill 364 na magiging bahagi ng public education system, kailangang magkaroon ng walang bayad na feeding program na kabibilangan ngfortified instant noodles, iron-fortified rice o mga fortified biscuits upang matugunan ang pagkagutom at kakulangan ng sustansya sa mga mag-aaral sa public schools. Masasaklaw ng kanyang panukalang-batas ang lahat ng paaralan ng pamahalaan sa buong bansa.
Karamihan ng mga nag-aaral sa public school ay mula sa mahihirap na pamilya kaya't may kakulangan sa pagkain at sustansya.
Ayon kay Congressman del Mar, hindi matututo ang mga bata kung gutom. Maaaring magmula ang salaping panustos sa Department of Social Welfare and Development samantalang ang mangangasiwa sa proyekto ay ang Department of Education. Maglalaan din ng tig-iisang kilong bigas para sa mga batang papasok sa kanilang klase araw-araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |