![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mas maraming demonstrasyon ang kailangan upang matapos na ang PDAF
NANINIWALA si dating Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na isang malaking hamon sa madla ay kung paano mababago ang kinagawian ng mga lider ng bansa sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o pork barrel.
Naging bahagi na ito ng kultura ng politika sa bansa, dagdag pa ng 72-taong gulang na obispo.
Sa mga pagtitipong ito, umaasa ang obispo na mapapagtanto ng mga mambabatas na mali ang kanilang kinagawian.
Halos dalawang libo katao ang dumalo sa pagtitipon. Ayon kay Junep Ocampo, isang mamamahayag, ang "Edsa Tayo" ay isang kaisipan at magiging daan upang mabatid ng nakararami ang pangangailangan ng pagbabantay sa kaban ng bayan.
Wala silang balak nag awing political o lobby group ang "Edsa Tayo." Walang anumang kaguluhang naganap sa pagtitipon sa loob at labas ng Edsa Shrine.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |