|
||||||||
|
||
Mga pari't madre, magsasama-sama sa Biyernes
MAGTITIPON ang mga pari't madre mula sa iba't ibang religious congregations sa Pilipinas sa pakikiisa sa panawagan ng madla na wakasan o tapusin na ng pamahalaan ang paglalaan ng salapi para sa mga mambatatas at maging sa pangulo.
Ayon kay Fr. Marlon Lacal, O.Carm ang katuwang na executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines, walang humpay ang mga isyu at problemang laman ng mga balita sa pahayagan, radyo't telebisyon kaya't napapanahong pagtuonan ng pansin ang Katotohanan at Korupsyon.
May gaganaping misa sa San Agustin Church, sa Intramuros sa Biyernes, ika-13 ng Setyembre sa ganap na ikalawa ng hapon.
Magpuprusisyon ang mga pari't madre patungo sa Luneta upang magdaos ng sama-samang pananalangin ng mga Katoliko't Muslim at mga Protestante.
Kabilang sa mga isyung bibigyang-diin bukod sa korupsyon at katotohanan ay ang Karapatang Pangtao, kasagraduhan ng mga nilikha ng Diyos at Kapayapaan. Mananawagan din sila sa pamahalaan na alisin na ang pork barrel system.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |