|
||||||||
|
||
20130923melo.m4a
|
Ginawa ni Napoles ang kanyang pananahimik sa pagbasa ng sakdal laban sa kanya kaninang ala una y media sa harap ni Judge Elmo Alameda ng Branch 150 ng Makati Regional Trial Court.
Ayon sa kanyang abogadang si Lorna Kapunan, ang hukuman ang nagtala ng plea of not guilty. Hindi makakapagsalita si Napoles dahilan sa nakabinbing petisyon sa Court of Appeals na nagtatanong sa desisyon ng Kagawaran ng Katarungan na nagdesisyon ng taliwas sa naunang resolusyon na nagsasabing walang anumang nagawang serious illegal detention at kidnapping.
Nauna rito, hiniling ng kampo ni Napoles na gawin na lamang ang pagdinig sa Fort San Pedro sa Sta. Rosa, Laguna sa halip na sa Makati City dahilan umano sa isyu ng seguridad.
Samantala, nanawagan ang kampo ni Janet Lim Napoles sa mga kinauukulan na bigyan ng prayoridad ang kanilang kahilingang makapag-piyansa sa usaping serious illegal detention na ipinarating ni Benhur Luy sa hukuman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |