|
||||||||
|
||
Labing-tatlo katao, nasawi sa Zambales
UMABOT sa 13 katao ang nasawi sa pagguho ng lupa sa Zambales kanina sa kasagsagan ng lakas ng ulan sa nahigop na habagat ng bagyong papaalis ng Piliipinas.
Naganap ang pagguho ng lupa sa Wawandue sa Subic, mga ika-anim na umaga. Ayon sa mga balitang lumabas sa media, dalawa katao ang nawawala samantalang isa ang nailigtas subalit naputulan ng paa.
Kahit pa patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ilang daang Pilipinong umaasang magkakaroon ng visa mula sa America ang pumila sa labas ng Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. Ayaw nilang palampasin ang kanilang appointed date dahilan lamang sa sama ng panahon. May mga ilang Pilipinong nagbebenta ng payong para sa mga pumipila. (Melo M. Acuna)
Ayon kay 1Lt. Yvonne Ricaforte ng 24th Infantry Battalion, apat na bahay ang natabunan ng gumuhong lupa.
Isa pang pagguho ng lupa ang naganap sa Aglao, San Marcelino, Zambales na ikinasawi ng apat katao kaninang ika-anim ng umaga.
Ayon sa isang punongbayan, hindi madaanan ang mga lansangan sa Subic at pawang mga speedboat lamang ang nagagamit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |