|
||||||||
|
||
Manggagawang mula sa Syria, nakauwi na
DALAWAMPU'T WALONG Pilipino mula sa Syria ang nakauwi na sa Pilipinas sa kanilang pagdaan sa Lebanon noong ika-19 ng Setyembre. Ang balita'y mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Umalis sila sa Rafik Hariri International Airport ganap na ala-una kwarenta ng hapon, oras sa Beirut sakay ng Gulf Air flight GF 910.
Tumawid sila sa hangganan ng Syria at Lebanon noong ika-18 ng Setyembre. Tinanggap sila ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut, sa tulong ng Caritas Lebanon. Binigyan sila ng transit visa ng Lebanese immigration staff.
Umabot na sa 4,821 na Pilipino ang nakauwi sa bansa at may 1,799 ang dumaan sa Rafik Hariri International Airport sa Beirut mula nang magkaroon ng cross border operations na pinagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Syria at Lebanon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |