Dalawang araw na pulong ng Shrine Rectors, sinimulan na
NAGSIMULA na ang dalawang araw na pagpupulong ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines kanina sa pamamagitan ng kanilang pilgrimage sa Archdiocesan Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas ganap na ika-lima't kalahati ng umaga. Isang Misa ang idinaos sa ganap na ika-siyam ng umaga at dumalaw din sila sa Parokya ni San Juan Bautista sa Calamba, Laguna at sa tanyag na Rizal Shrine.
Ganap na ika-lima ng hapon ay nagsalita si Fr. Eric Castro tungkol sa turismo ng mga Kristiano samantalang ipinaliwanag ni Fr. Edwin Corros ang Pastoral Care of Tourism sa panahon ng bagong Ebanghelisasyon.
Bukas ng umaga ay magsasalita si Kalihim Ramon Jimenez ng Kagawaran ng Turismo tungkol sa pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan sa pagpapaunlad ng industriya sa Pilipinas.
1 2 3 4 5 6