|
||||||||
|
||
Sa karagdagang impormasyon, ng manaka-nakang pag-ulan sa nakalipas na ilang araw ang nagpataas ng tubig sa Laguna de Bay sa taas na 12.80 meters o isang talampakan mula sa normal na taas ayon sa Laguna Lake Development Authority.
Ayon sa kanilang resident hydrologist Emil Hernandez, binabantayan nila ang taas ng tubig na maituturing nang mapanganib.
Ang normal na taas ng tubig ay 12.50 meters above sea level at nalampasan na rin ito noong nakalipas na panahong habagat kasabang ng bagyong Maring na may international name na Trami.
Dahilan sa sama ng panahon dala ng bagyong si Usagi, kanselado ang ilang biyahe ng eroplano patungo at mula Hong Kong.
Tatlong eroplano ng Cathay Pacific and CX904 MNL-HKG, CX912 MNL-HKG at CX901 HKG-MNL, tatlong eroplano ng Philippine Air Lines, ang PR 300/301 MNL-HKG-MNL, PR 318/319 MNL-HKG-MNL at PR 312/313 MNL-HKG-MNL at isang Tiger Airways flight DG 7924/7925, Clark-Hong Kong-Clark ay pawang kanselado na.
Noong araw ng Linggo, 30 international flights ang hindi natuloy dahilan sab ago na nagdulot ng peligro sa Hong Kong, Macau at mainland China.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |