HINDI na matutuloy sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Pilipinas si US President Barack Obama.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Pangalbas. Ipinarating ni Pangulong Obama kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na hindi na siya matutuloy sa paglalakbay tungo sa Pilipinas ngayong susunod na linggo. Ipinaliwanag ni G. Obama na ginawa ang desisyon dahilan sa mga isyung may kinalaban sa US Government shutdown.
Nauunawaan naman ni Pangulong Aquino ang desisyon ni Pangulong Obama. Nananatiling matatag ang relasyon sa pag-itan ng Estados Unidos at Pilipinas, dagdag pa ng pahayag.
1 2 3 4 5 6