|
||||||||
|
||
Kaunlaran sa Asia, bumabagal
BABABA ang growth rate ng Asia at makakarating na lamang sa 6% ngayong 2013 mula sa 6.1% bago umunlad at makarating sa 6.2% sa 2014. Banayad ang pag-unlad sa America at sa Tsina samantalang ang inflation bubuti at matatamo ang 3.6% ngayong 2013 at 3.7% sa 2014.
Ayon kay Joseph E. Zveglich, Jr., ang assistant chief economist ng Asian Development Bank, kahit pa anong maganap sa labas ng rehiyon ay mananatiling maganda ang nagangap sa pinakamataong rehiyon. Kailangan ang structural reforms kabilang na ang maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan upang matiyak ang katatagan ng pananalapi at maitaguyod ang mga magaganap na kaunlaran.
Kung growth rates ng India, Tsina at Pilipinas ang pag-uusapan, tinatayang magkakaroon ang India ng 4.7% growth sa taong 2013 samantalang ang Tsina ay magkakaroon ng 7.6% at matatamo ng Pilipinas ang 7.0%. Sa kanilang pagsusuri, matatamo ng India ang 5.7% growth rate para sa 2014, 7.4% sa Tsina at 6.1% para sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |