![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pangulong Aquino, ipinagsumbong ng plunder
ISANG militanteng grupo ng mga magsasaka, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang nagreklamo sa Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at ilang mga opisyal sa kontrobersyal na paglalabas ng salapi sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund na kilala sa pangalang pork barrel.
Pinangalanan din sa reklamo sina Agriculture Secretary Proceso Alcala, Budget Secretary Florencio Abad, Agriculture Undersecretary Antonio Fleta, ang Head Executive Assistant sa tanggapan ni Kalihim Alcala, si Arnulfo Manalac, Agriculture Undersecretaries Salvador Salacup at Ophelia Agawin, Atty. Arene D. T. Alogoc, Director ng Internal Audit Service ng Department of Agriculture Department of Budget Management Undersecretary Mario Relampagos, Janet Lim Napoles, Merlina Sunas at ilan pang John at Jane Does.
Ayon kay KMP Secretary General Antonio Flores, may poder ang Ombdusman na siyasatin ang nakaupong pangulo at may karapatan ang mga mamamayang mabatid ang kanyang papel na ginampanan sa pork barrel scam. Ani Flores, hindi siya maaaring magkubli sa tinaguriang mantle of presidential immunity.
Maliban sa plunder, ipinagsumbong din ang mga nabanggit ng paglabag sa Anti-Graft law, Government Procurement Reform Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Malversation of Public Funds at Grave and Serious Misconduct.
Kung mabigat na umano ang fertilizer scam noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mas malala ang mga nagaganap ngayon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |