|
||||||||
|
||
Krisis sa Estados Unidos, walang gasinong epekto sa Pilipinas
NANINIWALA si Joseph E. Zveglich, Jr. Assistant Chief Economist ng Asian Development Bank na walang matinding epekto sa Pilipinas ang nagaganap na shut down sa Estados Unidos.
Sa idinaos na open forum sa idinaos na Asian Development Update, sinabi ni G. Zveglich panandalian lamang ito. Kung magtatagal ang shutdown ay makakaasa ang Pilipinas na makipagkalakal sa mga bansang kasapi sa ASEAN at Tsina. Malaki rin ang pamilihan ng Japan.
Ayon kay Neeraj Jain, Philippine Country Director, bagama't 18% ng exports ng Pilipinas ang natutungo sa Estados Unidos, malakas ang domestic market at sa gitna ng nagaganap na krisis sa Europa at Amerika ay patuloy na naging matatag ang padalang salapi ng mga Pilipinong nasa iba't ibang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |