|
||||||||
|
||
Pilipinas, maganda ang katayuan
SINABI ni Norio Usui, ang Senior Economist ng Philippine Country office ng Asian Development Bank na magpapatuloy ang kaunlaran sa Pilipinas ngayong 2013 hanggang 2014 ayon sa malakas na pamimili ng mga produktong gawa sa Pilipinas at ibang bansa ng mga Pilipino. Nagkakaroon na rin ng pag-unlad sa larangan ng investments.
Sa briefing na idinaos sa Asian Development Bank kanina, sinabi ni G. Usui na napatibay ng bansa ang macro-economic fundamentals at nakabawas sa anumang peligro mula sa mabuway ng pandaigdigang financial market
Nananatiling malaking hamon ang pagbabantay sa mabuway na pagpasok at paglabas ng salapi at ang kaakibat na epekto nito sa halaga ng mga ari-arian. Kailangang maisalin ang mga datos na nagsasabing mayroong kaunlaran sa pagkakabawas ng kahirapan at magkakaroon ng mas maraming hanapbuhay.
Binanggit din niya ang mahahalagang paraan upang magkaroon ng mas maraming hanapbuhay tulad ng pagkilala sa laki o dami ng hanapbuhay (size), uri ng mga trabaho (type) at kahalagahan ng mga hanapbuhay (productivity).
Sa long-term strategy, iminungkahi ni G. Usui na dapat malutas ang matagal ng problema ng Pilipinas, tulad ng kakulangan ng infrastructure at ang pagbabawas ng halaga ng pagkakalakal sa Pilipinas. Kailangang magkaroon ng mas malakas at matatag na industrial base at madama ang industrial road map ng Department of Trade and Industry.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |