Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dadalaw sa Korea

(GMT+08:00) 2013-10-14 17:50:17       CRI

NAKATAKDANG maglakbay si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong Republika ng Korea sa darating na Huwebes, ika-17 ng Oktubre. Ayon kay Asst. Secretary Raul S. Hernandez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang paglalakbay na tatagal ng dalawang araw at sa paanyaya ni Pangulong Park Geun-hye.

PANGULONG AQUINO, DADALAW SA TIMOG KOREA.  Maglalakbay patungong Republika ng Korea si Pangulong Aquino sa Huwebes, ika-17 ng Oktubre para sa dalawang araw na pagdalaw.  Sa isang briefing, sinabi ni Asst. Secretary Raul S. Hernandez na bukol sa kalakalan, magkakaroon din ng pag-uusap sina Pangulong Aquino at Park sa mga isyung bumabalot sa rehiyon.  (File Photo ni Melo Acuna)

Si Pangulong Aquino ang kauna-unahang pinuno ng bansa na magsasagawa ng state visit sa Korea mula ng manungkulan si Pangulong Park noong Pebrero. Pag-uusapan ang mga isyung may kinalaman sa politika, defense cooperation, trade and investments relations, official development assistance, consular at labor cooperation at people-to-people exchanges. Nakatakda ring pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng rehiyon.

Sasaksi sila sa paglagda sa Memorandum of Understanding sa pagitan ng dalawang tanggulang pambansa. Sakop nito ang pagpapalitan ng pagdalaw ng mga opisyal ng militar at mga dalubhasa sa larangan ng humanitarian assistance at international peace keeping activities.

Sa ikalawang araw, haharap si Pangulong Aquino sa Korean business community tulad ng mga nangungunang Korean conglomerates upang pag-usapan ang investment opportunities sa Pilipinas.

Ang Korea ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa Asia at ika-13 sa daigdig noong 2012. Higit sa $ 7 bilyon ang bilateral trade noong 2012 ng Pilipinas at South Korea. Pinakamaraming turista ang nagmula sa Korea o halos 25% ng mga banyagang dumalaw sa Pilipinas.

Pararangalan din niya sa pamamagitan ng Order of Lakandula kay Representative Jasmine Bacurnay-Lee ng Korean National Assembly. Nagmula sa Cavite at Davao City si Representative Lee, ang kauna-unahang naturalized Korean na nahalal sa parliamento.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>