|
||||||||
|
||
Mga karamdamang 'di nakahahawa, nangungunang pamatay sa mga taga-ASEAN
PAGTATAAS NG BUWIS SA SIGARILYO'T ALAK, MAHALAGA. Sinabi ni Dr. Julie Lyn Hill ng World Health Organization na sa pagtaas ng buwis ng mga sigarilyo't alak ay mababawasan na ang mga tumatangkilik ng mga produktong ito. Malaking bagay ito sa pagbabawas ng non-communicatble diseases sa ASEAN, dagdag pa ni Dr. Hill. (Melo Acuna)
ANG lifestyle diseases ang nangungunang pumapatay ng mga mamamayan sa ASEAN. Ayon kay Dr. Julie Lyn Hall, kinatawan ng World Health Organization sa idinaraos na 1st ASEAN Regional Forum on Non-Communicable Diseases sa Dusit Thani Hotel.
Maihahambing sa tsunami ang tindi ng problema sa rehiyon. Kapuri-puri ang desisyon ng mga pinuno ng ASEAN na kumilos upang maibsan ang bilang ng mga nasasawi dahilan sa non-communicable diseases tulad ng sakit sa puro, mga komplikasyon sa diabetes.
Magaganap lamang ito kung mababawasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sa pagkakaroon ng mas matataas na buwis. Kailangan din ang pagkain ng masustansya at ligtas na mga pagkain. Nararapat ding magkaroon ng regular na ehersisyo, dagdag pa ni Dr. Hall.
Two-thirds ng mga ikinamamatay ng mga mamamayan ng ASEAN ang dahilan sa non-communicable diseases. One-third ng mga nasasawi sa ASEAN ay mga mamamayang wala pang 60 taong gulang.
Inirekomenda niya ang pag-eehersisyo, pagkain ng mas maraming gulay, prutas at mas madalang na pagkain ng karne, mamantikang pagkain.
Mahalaga rin ang bagay na ito sa mga nagdadalang-tao sapagkat ang malusog na pangangatawan ay may mabuting maidudulot sa kanilang magiging sanggol.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |