|
||||||||
|
||
MILF at Pamahalaan ng Pilipinas, umaasang makakalagda sa kasunduang pangkapayapaan sa oras
ANG magkabilang panig sa peace talks na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nagpahayag ng pag-asa na matatapos din ang pag-uusap. Nakamtan na ang progreso sa dalawang nalalabing annexes sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Matapos ang 18 oras na pag-uusap na nagsimula noong Sabado at nagwakas kahapon ng ika-apat ng umaga, nagwakas ang paghaharap sa pamamagitan ng isang joint statement na pormal na nagsasara ng ika-41 sesyon ng exploratory talks.
Detalyado ang naging talakayan upang mabatid ang pinakamagandang pormula sa kasunduan na tutugon sa mga mithiin ng magkabilang-panig. Natapos ang pag-uusap sa pagdiriwang ng Eid "Ul" Adha. Ayon sa pahayag na inilabas ng Malacanang, ang nalalabing mga hamon at balakid ay malulutas din sa mga susunod na panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |