|
||||||||
|
||
ASEAN, nagkasundong magtutulungan sa mga palatuntunang pagkalusugan
ASEAN, NAGPAPAHALAGA SA KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN. Sinabi ni ASEAN Deputy Secretary General Alicia R. Bala na mapapagtutuunan na ng pansin ng sampung pamahalaan ang non-communicable diseases na nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga mamamayang wala pang 60 taong gulang. Sa Bendar Seri Begawan Declaration magmumula ang palatuntunan para sa madla. (Melo Acuna)
ISANG magandang accomplishment para sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) ang pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon sa larangan ng kalusugan.
Sa isang panayam kay Assistant Secretary General Alicia Bala, sa pagsisimula ng 1st ASEAN Regional Forum on Non-Communicable Diseases, sa 23rd ASEAN Summit sa Brunei, nakita ng mga pinuno ng mga kasaping bansa ang kahalagahan ng kalusugan ng mga mamamayan.
Idinagdag pa ni Assistant Secretary General Bala, napagkasunduan nilang ipasa ang Bandar Seri Begawan Declaration on Non-Communicable Diseases.
Ano nga naman ang halaga ng pag-unlad sa larangan ng ekonomiya kung maraming mamamayan ang walang maayos na kalusugan, dagdag pa ng opisyal ng ASEAN. Kung mananatiling malusog ang mga mamamayan, tiyak ang pag-unlad ng rehiyon.
May nararapat gawin ang mga bansa upang magkaroon ng paghahambing ng salaping inilalaan ng bawat pamahalaan sa sektor ng kalusugan, dagdag pa ni Asst. Secretary General Bala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |