|
||||||||
|
||
Mga alagad ng Simbahan, dumalaw sa Kongreso
MATAPOS ang pagdupikal ng mga kampana ng simbahan sa iba't ibang bahagi ng bansa, dumalaw naman ang mga alagad ng iba't ibang simbahan sa Kongreso upang i-abot ang kanilang liham na nakikiusap na alisin na ang pork barrel sa budget ng pamahalaan.
Ang Church People's Alliance against Pork Barrel ay dumalaw sa kongreso dala ang kanilang liham para sa liderato ng mababang kapulungan. Ipinarating nila ang kanilang mga liham kina Speaker Feliciano Belmonte, Jr., Majority Floor Leader Neptali Gonzales II, Ronaldo Zamora, Minority Leader, Isindro Ungab, chairman ng Committee on Appropriations, Benjamin Asilo, chairman ng People's Participation committee at Oscar Rodriguez ng Good Government and Accountability.
Nilagdaan ni Bishop Deogracias Iniguez at tatlong iba pa ang liham. Hindi umano magiging bulag ang mga alagad ng simbahan sa mga nagaganap ngayon kaya't mas makabubuting alisin na ang pork barrel sa pamahalaan, dagdag pa ni Bishop Iniguez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |