|
||||||||
|
||
Halos buong Metro Manila, naparalisa dahilan sa medical mission
ANG malaking bahagi ng Metro Manila ay walang pasok sa mga pampubliko at pang-pribadong paaralan samantalang ang pinakamalalaking lansangan sa paligid ng Palasyo Malacanang ay hindi madaanan sa sabay-sabay na medical, dental at evangelical mission na isinagawa ng Iglesia ni Cristo.
Sinuspinde ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang trabaho sa lahat ng hukuman sa Maynila at Quezon City dahilan sa mabigat na trapiko dala ng pagkilos ng Iglesia ni Cristo mula kaninang umaga.
Kabilang sa apektado ng suspension order ay ang Korte Suprema, ang mga appellate courts tulad ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan kabilang na ang mga hukuman sa Maynila at Quezon City mula kaninang ika-isa't kalahati ng hapon.
Ayon sa kanilang taga-pagsalita, si Atty. Theodore Te, mayroong skeletal force na itinalaga upang tumanggap ng mga dokumento.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |