Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagbabago sa Pilipinas, angkop sa mga mangangalakal

(GMT+08:00) 2013-10-18 18:45:25       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na patuloy ang pagbabagong nagaganap sa Pilipinas. Ito ang binigyang-diin ni Ginoong Aquino sa kanyang talumpati sa harap ng Korean business community.

Bukod sa walang humpay na kampanya laban sa katiwalian at pagpapanagot sa mga pinaniniwalaang nagkasala, patuloy ang pagpapakilos sa pamahalaan upang pakinabangan ng madla.

Ang matatagumpay ng mga mangangalakal ay may kakayahang humarap sa mga peligro. Ani Pangulong Aquino, ang corruption ay isang hindi nakikita at hindi basta masusugpong situwasyon. Upang matamo ang paglago ng ekonomiya, nararapat mapigil ang corruption. Nadarama na ang pagbabawas ng red tape at naisasaayos na ang burukrasya. Ngayon ay naitayo na ang Philippine Business Registry, isang one-stop shop para sa mga kailangang dokumento para sa kalakal.

Ibinalita ni Pangulong Aquino na epektibo na ang national budget sapagkat natugunan na ang pangangailangan sa mga silid-aralan mula sa 66,800 noong 2010, mawawala na ang kakulangang ito ngayong 2013. Ipinagmalaki pa niya ang K-to-12 program para sa mga kabataan. Ani Pangulong Aquino, noong nakalipas na panahon ay 66% lamang ng mga kabataan ang nasa paaralan, ngayon ay umaabot na sa 84%, na ang karamiha'y mula sa mga liblib na pook.

Nakita na umano ng daigdig ang pagbabago sa Pilipinas. Sa World Economic Forum, mula sa ika-85 ay natamo na ng Pilipinas ang ika-59. Makikita rin ang pagbabago sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga credit ratings agencies na nagbigay ng investment grade kamakailan. Mula sa ika-134 sa Transparency International, narating ng Pilipinas ang ika-105 puesto ngayong 2013. Ang GDP growth rate ng Pilipinas mga sampung taon bago naluklok ang Aquino Administration ay 4.7% at narating na ang 6.3% sa nakalipas na tatlong taon at humigit sa 7% sa nakalipas na apat na quarter.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>