|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, walang balak buksan ang Saligang Batas; Tsina, isang halimbawa
NANANATILI ang paninindigan ni Pangulong Aquino na wala siyang balak na buksan ang Saligang Batas upang payagan ang mga banyagang mag-ari ng lupain sa Pilipinas.
Ito ang kanyang pahayag sa isang pananghaliang dinaluhan ng Korean business community sa Grand Hyatt Hotel sa Seoul. Dumalo ang may 200 Korean top level executives.
Ang Tsina, ayon kay Pangulong Aquino, ay isang halimbawa ng bansang hindi pumapayag na mag-ari ng lupain ang mga banyaga subalit maganda ang kanilang pag-unlad.
Binigyang diin ni Pangulong Aqiuno na nakikita ng lahat ang Tsina na isa sa pinakamatatag ang kaunlaran para sa nakalipas na dekada at kanyang nauunawaan na hindi pinapayagan ang mga banyagang magkaroon ng sariling lupa.
Ang hindi pagkakaroon ng lupain ay hindi hadlang sa profitability at growth ng alinmang korporasyon, dagdag pa niya.
Itinatadhana sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pagbabawal sa mga banyagang magkaroon ng sariling lupain.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |