|
||||||||
|
||
Korea, naglaan ng $ 300,000 para sa mga biktima ng lindol
IBINALITA ni Pangulong Aquino na naglaan ng $ 300,000. ang South Korea para sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. Nadama umano niya ang katapatan ng mga Koreano na tumulong sa Pilipinas sapagkat nakapagpadala na sila ng $ 200,000 para sa mga naging biktima ng trahedya sa Zamboanga.
Ipinagpasalamat ni Pangulong Aquino ang balak ng ilang mga senador na dagdagan ang calamity fund upang makatulong sa rehabilitasyon ng mga apektadong pook sa Kabisayaan.
PANGULONG AQUINO, BINIGYAN NG KAUKULANG PARANGAL. Makikita sa larawan si Pangulong Aquino kasama si Pangulong Park Geun-hye sa official welcoming ceremony sa Grand Garden sa Blue House sa kanyang State Visit sa Korea na nagsimula kahapon. (Malacanang photo)
Ang pamahalaan ay mayroong P 1.37 bilyong nalalabi sa calamity fund at hindi pa nababatid kung gaano ang kailangan ng mga pamahalaang lokal upang makapagsimulang mag-ayos ng kanilang nasasakupan.
Mas makabubuting alamin muna kung gaano ang kailangan sa pag-aayos at pagtatayong muli ng mga napinsalang pagawaing bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |