|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nababahala sa mga matataas na gusali
MAS makabubuting siyasatin ang mga ahensyang posibleng lumabag sa national building code sa pagtatayo ng ilang mga gusali sa Cebu kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Central Philippines noong Martes.
Na sa Seoul, South Korea si Pangulong Aquino para sa dalawang araw na state visit sa paanyaya ni Pangulong Park Geun-hye. Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi niyang inatasan niya ang Department of Public Works and Highways at Department of Science and Technology na gumawa ng malawakang palatuntunan upang higit na maging matatag ang matataas na mga gusali at iba pang pagawaing bayan sa mga pagyanig ng lupa.
Napuna ni Pangulo ng Aquino na ang mga bakal na ginamit sa Mandaue Public Market at maging sa kapitolyo ng Cebu ay kapos sa specifications na iniaatas ng New Building Code.
Binigyang pansin ng panuglo na ang mga bakal na ginamit ay napakaliliit at madaling mababali. Maliliit umano ang mga bakal at hindi makasusuporta sa kongkretong dingding.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |