|
||||||||
|
||
Presyo ng mga bilihin sa Cebu at Bohol, binabantayan
ANG Department of Trade and Industry ay nagbabantay sa galaw ng presyo ng mga bilihin sa Cebu at Bohol na niyanig ng malakas na lindol noong Martes. Naglabas din sila ng talaan ng halaga ng mga bilihin na magsisilbing gabay sa mga mamamayang nasasaklaw ng state of calamity.
Ayon sa batas, sa oras na magdeklara ng state of calamity ang pamahalaan, walang sinumang makapagpapataas ng presyo ng bilihin. Ang halaga ng isang latang sardinas ay mula P 11.85 hanggang P 13.75.
May mga tindahan sa Bohol na hindi nagbubukas dahilan sa pinsala sa kanilang mga gusali. Ang mga bayang apektado ay ang Sagbayan, Antiquera at Maribojoc. Sarado rin ang major establishments sa Tagbilaran City.
Sinabi ni Regional Director Asteria Caberte ng Department of Trade and Industry na 11 koponan ang kanilang pinagmamasid sa 60 tindahan at palengke sa Cebu, Mandaue, Lapu-lapu at Danao Cities. Kasabay din sa mamatyagan ang mga bayan ng Consolacion at Minglanilla.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |