|
||||||||
|
||
Pope Francis, bumati sa mga Pilipino
NAGPA-ABOT ng kanyang pagbati si Pope Francis sa mga delegado ng kauna-unahang Philippine Conference on the New Evangelization na nagtapos kanina sa University of Santo Tomas.
Sa kanyang video message, sinabi ni Pope Francis na lubos siyang nagpapasalamat sa mga kapatid niyang obispo, mga pari, religious men and women, mga seminarista at mga laiko na nagsama-sama at lumahok sa pagtitipon sa pagdiriwang ng "Year of Faith." Ikinatuwa niya ang pagdalaw ng mga delegado mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at Asya.
Ayon kay Pope Francis, buhay ang Simbahang itinatag ni Kristo at umaasa siyang madarama ng mga delegado ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Nanawagan siyang huwag na huwag mapapagod na makibahagi sa mga maysakit, mahihirap, mga napabayaan at mga kabataan at mga pamilya.
Humiling din siya ng panalangin spagkat kailangan din niya ito. Nangako siyang ipagdarasal ang lahat ng mga lumahok sa pagtitipon.
Pinamunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle ang pagtitipon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |