|
||||||||
|
||
Maarte/20131120.m4a
|
Maarte/201311201.m4a
|
Noong unang panahon, may isang mahirap na pastol ng baka na pinangalanang "Niulang". Bata pa siya noong namatay ang mga magulang niya, kaya doon siya tumira sa kanyang kuya. Pero sa kasamaang-palad, kapwa maramot at malupit ang kuya at hipag ni Niulang at masama ang pakikitungo sa kanya ng mga ito. Hindi na siya pinakakain nang husto, pinagtatrabaho pa siya nang sobra kaya halos wala na siyang panahon para matulog. Sa bandang huli, basta na lamang sinipa si Niulang ng kanyang kuya at hipag sa labas ng bahay. Ang tanging ari-arian na lamang niya sa daigdig ay ang damit sa kanyang likod at isang matandang kapong baka.
Nagtayo si Niulang ng isang kubu-kubuhan na binubungan ng pawid. Siya ay nagputol, naghukay at nagpapawis hanggang magawa niya ang isang vegetable garden sa mabatong lupa. Madalas siyang pagod at gutom pero may panahon pa rin siya para alagaan ang matanda niyang kapong baka. Isang araw, ang bakang ito ay nagsimulang magsalita. Sinabi nitong noong araw, siya ay si Taurus, isang marangyang bitwin sa langit kung gabi. Ngunit minsa'y lumabag siya sa batas ng Heavenly Palace. Nagnakaw kasi siya ng mga butil at ipinamimigay sa mga tao. Bilang parusa, ipinatapon siya sa mundo bilang isang kapong baka.
Hindi kalayuan sa maliit na bahay ni Niulang, ang isang banal na lawa. Sinabi ng matandang kapong baka kay Niulang na magpupunta roon ang mga batang diyosa pagkaraan ng ilang araw para maligo. At isa sa kanila ay si Zhinv o "the girl weaver". Si Zhinv ay apo ng hari ng langit na Banal at mabait siya ang kapong baka. Pagkatapos, sinabi ng baka na kung makukuha ni Niulang ang damit ni Zhinv habang siya nasa banal na lawa, mananatili ito sa mundo at puwede niyang mapangasawa.
Pagdating ng araw na iyon, nagtago si Niulang sa gitna ng damohan na tumutubo sa tabi ng lawa at naghintay sa mga batang diyosa. Hindi nagtagal sila ay dumating na gaya ng ginabi ng kapong baka. Hinubad nila ang kanilang "silk robes" at masayang nagtalunan sa malinis na tubig. Gumapang si Niulang mula sa kanyang pinagtataguan, dinampot ang damit ni Zhinv at saka tumakas. Ganoon na lamang ang takot ng mga kasama ni Zhinv kaya umahon agad sila, mabilis na nagdamit at nagtatakbo papalayo. Naiwan si Zhinv sa lawa. Bumalik si Niulang at isinauli kay Zhinv ang kanyang damit. Sa unang pagkikita pa lang ay tumibok na ang puso ng lalaki sa babae. Tinugon ng dalaga ang kanyang titig at naramdaman niyang handa itong magpakasal sa kanya.
Labis na nagmahalan ang dalawa at hindi nagtagal ay lumagay sila sa tahimik. Nagsikap si Niulang na mag-alaga ng pananim samantalang ang asawa naman niya ay nag-alaga ng silkworm. Tiniyak niya na hindi sila aaksaya sa oras. At ang katangi-tanging seda at satin na hinahabi ng babae ay naging kilalang-kilala kaagad. Pagkatapos ng tatlong taon, nanganak si Zhinv ng kambal, isang lalaki at isang babae. Pinangalanan nila ang lalaki ng "Brother Gold" at ang babae ng "Sister Jade". Ikinasiya ng mag-asawa ang bagong dagdag sa kanilang pamilya at naniwala silang magiging maligaya habang buhay.
Dahil sa labis na pananabik sa magandang buhay, hindi nila namalayan na may isang malaking sakuna na nakaambang dumating sa kanilang buhay…
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |