Ang kanyang mga obra ay gawa sa mga hibla ng pinya. Hinggil dito, sinabi niyang isa rin sa dahilan kung bakit niya ginawa ang palabas na ito, ay upang isulong at suportahan ang industriya ng Pilipinas sa paggawa ng tela mula sa pinya.
Dagdag pa ni Mama Renee, gusto niyang ipakita sa buong mundo, na ang Pilipnas ay hindi pahuhuli pagdating sa paglikha ng magagandang kasuotan.
Pero, bukod sa lahat ng iyan, nakilala rin natin ang tatlong magagandang binibini na sina Emma, Lou, at Justine. Sila ang mga nagmodelo ng mga likha ni Mama Renee.
Sa ating pakikipag-usap sa tatlong binibini, nalaman natin na si Justine pala ay kagagaling lamang sa Tsina, partikular, sa lunsod ng Chengdu, sa dakong timog kanluran ng Tsina.
Si Justine, habang kumakaway samga manonood ng isang fashion na inorganisa ni Renee Salud sa Beijing
1 2 3