Ano ang ginawa niya roon? Siya po ang nagrepresenta sa Pilipinas sa Fashion Asia Awards, at doon, nakuha niya ang parangal para sa kategoryang "Female Model."
Sa pamamagitan ng fashion show sa Beijing, napakaraming mga Tsino ang nakakita sa kung ano talaga ang hitsura at disenyo ng mga kasuotang Pinoy. Sa prosesong ito, naisulong din ang kultura at ideyang Pilipino sa mga Tsino.
Pero, bukod pa riyan, ang pagkakapanalo ni Justine sa Fashion Asia Awards ay isa ring tanda, na ang Pilipinas ay hindi pahuhuli pagdating sa paglikha ng magagandang kasuotan at pagmomodelo.
Kaya, sana ay magsilbing magandang halimbawa ang pagkakapanalo ni Justine at ang Philippine Tourism Show upang mas marami pang Pilipinong may-angking talino sa paggawa ng kasuotan ang magpursige upang marating ang tagumpay at maipakilala sa buong mundo ang fashion o modang may-katangiang Pinoy.
Si Justine
1 2 3