Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Buhay sa Silangang Kabisayaan, unti-unting bumabalik sa normal

(GMT+08:00) 2013-12-09 17:48:44       CRI

Poverty incidence, nabawasan noong 2012

BAHAGYANG nabawasan ang bilang ng mahihirap sa Pilipinas noong 2012. Ito ang report ng National Statistics Coordination Board sa isang briefing kanina. Ayon sa ulat, umabot sa 25.2% mula sa 26.3% ng mga mamamayan ang kinikilalang mahihirap. Ang bilang na ito ay mula sa 20.5% ng mga pamilya noong 2009.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa pahayag na binasa ni Assistant Director General Rosemarie G. Edillon, maituturing itong "slow decline" subalit senyal na rin ng nagawa ng pamahalaan sa kampanya laban sa kahirapan. Sa datos na ito, maisasaayos nila ang kanilang mga estratehiya upang higit na maging epektibo ang kanilang mga palatuntunan.

Labingtatlo sa 17 rehiyon ng bansa ang nagkaroon ng kabawasan ng kahirapan kung ihahambing sa taong 2009. Umunlad ang katayuan ng CARAGA sa pagkakaroon ng 14.2 percentage points na kabawasan sa poverty incidence kung sa mga pamilya ang pag-uusapan. Nagkaroon ng kaunlarang umabot sa 10.6% sa CARAGA noong 2012, na ikalawang mabilis na gross regional domestic product growth sa lahat ng rehiyon sa pagkakaroon ng 8.5% growth noong 2011.

Napuna ang pagtaas ng poverty incidence sa SOCCSKSARGEN o Region XII, Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), Eastern Visayas at National Capital Region dahilan sa mahinang economic growth.

Higit na bumaba ang output ng Region VIII sa pansamantalang pagsasara ng PASAR noong unang bahagi ng 2012. Nagkaroon ng halos 3% ng itinaas ng poverty incidence sa rehiyon.

Ayon sa pahayag ni Director General Balisacan, mangangailangan ng pangmatagalang palatuntunan upang magkaroon ng sustained economic growth. Magkakaroon ng mas magandang benepisyo para sa mahihirap upang makalahok sa growth process. Ipinatutupad na ng pamahalaan ang Pantawid Pamilya Program, Community-Based Employment Program at Sustainable Livelihood Program at iba pa.

Magkakaroon din ng mga palatutunan para sa mga pagawaing bayan at paggastos sa pagsasanay sa mga mamamayan sa kanilang magiging kakayahang kumita ng salapi. Kailangan din ang social assistance na magsusulong sa economic at physical mobility.

Nararapat ding suriin ang epekto ng mga trahedyang dulot ng kalikasan sa kahirapan. Ang mga sama ng panahon ay makasisira sa natamong economic growth at kaunlaran.

Sa mga kalamidad tulad ng Zamboanga crisis, kailangang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa mga kilalang conflict areas na maituturing na isang uri ng disaster risk reduction.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>