|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga pag-uusap ng Japan at ASEAN, nakatuon sa kalakal at mga isyung pang-rehiyon
MARAMING isyung pag-uusapan sa pag-itan ng Japan at mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations mula sa darating na Biyernes, ika-13 ng Disyembre sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Assistant Secretary Raul S. Hernandez, dadalo si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sampu ng mga kasapi sa ASEAN at ang kanilang mga maybahay sa isang afternoon tea ceremony sa pamamagitan nina Emperador Akihito at Empress Michiko. Tatagal lamang ito ng kalahating oras.
Pangangasiwaan naman nina Prime Minister Shinzo Abe at ng kanyang maybahay ang isang hapunan para sa mga dumadalaw ng pinuno ng mga bansang kabilang sa ASEAN.
Sa Sabado, ani Asst. Secretary Hernandez, idaraos ang Commemorative Summit. Sa umaga ay pag-uusapan ang mahahalagang isyu sa isang talakayan ng mga pinuno ng bansa. Susundan ito ng pananghalian sa pamamagitan ng Japanese Business Federation. Sa hapon, nakatakdang ipasa ang Vision Statement on ASEAN-Japan Friendship and Cooperation kabilang na ang Implementation Plan. Isang hapunan ang idaraos bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 taon ng ASEAN-Japan relations.
Susuriin din nila ang mga nagawa ng pagtutulungan sa nakalipas na 40 taon, kabilang na ang politico-security, economic at socio-cultural cooperation. Magpapalitan din sila ng mga pananaw sa ma isyung bumabalot at sumasaklaw sa rehiyon at sa buong daigdig.
Dalawang pahayag ang kanilang ilalabas sa summit, ang Vision Statement ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation at ang Implementation Plan at ang Joint Statement of the ASEAN-Japan Summit.
Ang Vision Statement ay matutuon sa medium to long-term cooperation ng ASEAN at Japan samantalang ang Joint Statement ang tungkol sa regional at international issues na higit sa dialogue partnership.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |