|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kasunduan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF, malapit nang matapos
TAGUMPAY ang 42nd Exploratory Talks ng negotiating panels ng pamahalaan at ng MILF sa paglagda kagabi sa Annex on Power Sharing sa Framework Agreement on the Bangsamoro.
Sa isang pahayag, ang annex na ito ay nagpapatunay sa delineation at power sharing sa pag-itan ng Central Government at ng Bangsamoro Government sa loob ng nasasakupan ng Bangsamoro political entity. Ito ang magiging gabay sa pagbuo ng Bangsamoro Transition Commission ng Bangsamoro Basic Law.
Umaasa ang magkabilang panig na matatapos ang Annex on Normalization at ang addendum sa Bangsamoro upang matapos ang comprehensive peace agreement sa Enero ng 2014.
Nagpasalamat ang magkabilang-panig sa Pangulong Aquino, kay Malaysian Prime Minister Dato' Sri Mohd Najib Bin Tun Haji Abdul Razal at sa mga kasapi ng MILF Central Committee sa pangunguna ni Chairman Al Haj Murad Ebrahim.
Lumagda sa kasunduan sina Miriam Coronel-Ferrer, chair ng government peace panel at Mohagher Iqbal, MILF peace panel chair at naging saksi si Tengky Dato' Ab Ghafar Tengku Mohamed, ang Malaysian Facilitator.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |