|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, dadalo sa libing ni Pangulong Mandela
AALIS ngayong gabi si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay patungo sa South Africa upang maging kinatawan ni Pangulong Aquino sa state funeral ni dating South African President Nelson Mandela.
Dadalhin ni G. Binay ang liham ng pakikiramay ni Pangulong Aquino sa naulilang pamilya.
Ani G. Binay, nakikiisa ang pamahalaan at ang mga Pilipino sa pagdadalamhati ng mga taga-South Africa.
Nakatakdang umalis si G. Binay ganap na ika-walo ng gabi sakay ng Cathay Pacific Airways Flight CX 902.
Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Pangulong Mandela sa Qunu, sa kanyang bayang sinilangan may 550 milya mula sa Johannesburg sa araw ng Linggo, ika-15 ng Disyembre.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |