|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Problemang dulot ng blacksand mining, nararapat mapigil
NANAWAGAN si JV Garganera ng Alyansa Tigil Mina sa pamahalaan na ibsan ang peligrong idudulot ng walang pakundangang blacksand mining sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, niliwanag niya na tiyak na manganganib ang mga mamamayang naninirahan sa tabing-dagat sa walang humpay na pagmimina ng buhanging dinadala sa ibang bansa.
Bagaman, sinabi ni G. Romualdo Aguilos ng Mines and Geosciences Bureau na karamihan ng pagmimina sa tabing-dagat ay walang permiso mula sa kanilang tanggapan tulad ng small-scale mining. Pawang local government units ang nagbibigay ng pahintulot kaya't kailangang magtulungan ang iba't ibang sektor.
Ayon sa kinatawan ng Chamber of Mines of the Philippines na si Atty. Ronald Recidoro, tila hirapan ang pamahalaang isaayos ang mga alituntunin ng Memorandum Order No. 79 na nagbabago ng mga alituntunin sa pagmimina.
Samantala, sinabi ni Gilbert Buenaventura ng Philippine Mining and Environment Safety Association na kailangang magsama-sama ang stakeholders upang pangalagaan ang kalikasan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |