|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Obispo, nanawagan sa madla: Alagaan ninyo ang inyong mga pari
ISANG malaking kahihiyan sa mga Kristiyanong komunidad kung pababayaan ng madla ang mga paring magkasakit at mamatay ng walang nagkakalinga.
Ito ang mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa kanyang Misa kamakailan. Nanawagan siya sa madla na tulungan ang matatanda, maysakit at retiradong mga pari sa kanyang diyosesis.
Si Bishop Alminaza ang hinirang ni Pope Francis noong Setyembre na mamuno sa Diocese of San Carlos sa Negros Occidental. Nagtungo siya sa Maynila kasama ang may 20 mga pari upang humiling ng tulong at panalangain sa ngalan ng mga maysakit at retiradong mga pari. Ilan sa kanila ang nabalda samantalang nasa kanilang kabataan pa.

OBISPO, NANAWAGAN SA MADLA. Sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na nararapat lamang alagaan ng komunidad ang mga matatanda, maysakit at retiradong pari. Ito ang kanyang mensahe sa misang idinaos sa EdSA Shrine kamakailan. Mahalaga ito para sa mga pari sapagkat dumarating din ang kalungkutan sa kanilang pagtanda. (CBCP File Photo)
Sana raw naman ay maala-ala rin ng madla ang mga paring nangangailangan ng tulong kahit pa abala ang lahat sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo noong isang buwan.
Kabilang sa mga nangangailangan ng tulong ang isang magaling at matalinong pari, isang atleta na nagka-stroke, isang 38-taong gulang na pari na nagkaroon din ng stroke. Mayroon ding isang pari na magdiriwang ng ika-limampung taon sa pagkapari na tila nakakaramdam ng kawalan ng kabuluhan sa buhay.
Ipinaliwanag din ni Bishop Alminaza na dumarating ang pagkakataong nalulungkot at pinaghihinaan ng loo bang mga pari.
May paalala si dating Pope Benedict XVI sa kanya bilang obispo sa isang private audience noong 2008 na alagaan ang kanyang mga pari at mahalin bilang mga kasama sa paglilingkod.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |