Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawampu't apat katao, nasawi 44 ang nasugatan sa dalawang sakuna kaninang umaga

(GMT+08:00) 2013-12-16 18:17:16       CRI

SA isa sa pinakamalubhang sakunang naganap sa Metro Manila, 22 katao ang nasawi samantalang 20 iba pa ang nasugatan mtatapos mahulog ang isang pampasaherong bus mula sa Skyway kaninang umaga.

Patungo ang bus sa Pacita Complex, San Pedro, Laguna ng maganap ang sakuna sa Paranaque. Nabagsakan ng bus ang isang cargo van. Isa sa mga pasahero ng van ang naipit at nasawi.

Sa panig ng Land Transport Franchishing and Regulatory Board, sinabi ni Chairman Atty. Winston Ginez na nararapat tumanggap ng kabayaran ang mga biktima sa ilalim ng Passenger Accident Insurance program.

Sinabi ni Atty. Ginez sa ilalim ng palatuntunan, ang accredited group na responsable sa coverage ng mga pasahero na sakay ng pangpublikong mga sasaklan ang nararapat magbigay ng compensation sa mga biktima ng sakuna.

Sa ilalim ng palatuntunan, ang 22 pasahero at nararapat tumanggap ng P 75,000 samantalang ang mga sugatan ay makakatanggap ng P 15,000 bawat isa. Ang gastos ng mga nasugatang pasahero ay babalikatin ng kumpanya ng bus kung lalampas o hihigit sa insurance coverage entitlement.

Ang United Coconut Planters' Bank na kasapi ng Philippine Accident Managers, Inc. (PAMI), ang magbabayad sa mga biktima ng nahulog na bus.

Idinagdag ng pinuno ng LTFRB hindi na kailangang magsumite ng mga dokumento upang makuha agad ang kabayaran mula sa UCPB. Kailangan lamang mag-file ng entitlement sa pinakamadaling panahon upang matanggap ang nakalaang halaga para sa kanila.

Ayon kay Atty. Ginez, may mga tsuper na hindi alintana ang kaligtasan ng mga pasahero kaya nagaganap ang mga sakuna. Sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng lahat ng 78 unit ng Don Mariano Bus ng hindi hihigit sa 30 araw sa pagkakasuko ng mga plaka ng lahat ng bus. Papatawan ng suspension ang paglalakbay ng mga bus, kasama na ang kanilang mga tsuper na kulang sa disiplina at pagsasanay sa mga pagmamaneho para matiyak na hindi na mauulit ang dahilan ng sakuna.

Noong nakalipas na Hulyo, nasangkot ang isa sa mga bus ng kumpanya sa isang sakuna na ikinasawi ng anim na pasahero.

Samantala, dalawa ang nasawi samantalang may 22 iba pa ang nasugatan sa isang sakuna ng bus sa Cebu.

Lasing umano ang tsuper ng bus na bumangga sa bayan ng Badian, Cebu kaninang umaga. Nasawi ang kanyang maybahay at limang taong anak na babae at kinasugat ng mga pasahero.

Nabatid na lasing si Erwin Gerson, 42, nakaligtas ng walang sugat subalit napakalasing na hindi man lamang nabatid na nasawi ang kanyang maybahay na si Marlyn, 41 taong gulang at ang kanilang anak na si Geralyn na nakaupo sa kanyang tabi. Naganap ang sakuna kaninang ika-pito ng umaga.

Inamin ng tsuper na nakikipaginuman na siya kagabi at napatunayang may alcohol sa katawan ng dalhin siya at ilan sa mga pasahero sa pagamutan. Mula sa Santander ang bus ng bumangga sa poste sa isang kurbada at tumagilid

Para kay dating LTO Chief at LTFRB Chairman Alberto Suansing, ang kapabayaan ng tsuper ng bus ang isang dahilan ng malalagim na sakuna. Bago pa umano ang bus na naaksidente kaya't lumalabas na kapabayaan ng tsuper ang naganap na sakuna.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>