|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, pinasalamatan si Ambassador Ma Keqing
PINASALAMATAN ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay si Chinese Ambassador Ma Keqing sa ginawang farewell call ng diplomata kaninang umaga sa Coconut Palace sa Lungsod ng Pasay kaninang umaga.
NAGPAALAM, AMBASSADOR MA KEQING. Dumalaw si Ambassador Ma Keqing sa tanggapan ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay kaninang umaga. Ito ang kanyang farewell call sapagkat magtatapos na ang kanyang paglilingkod bilang Chinese Ambassador to Manila. (OVP Photo)
Binanggit ni Ginoong Binay ang mga donasyon ng Tsina sa Pilipinas sa nakalipas na trahedyang tumama sa Central Philippines at ang pagpapadala ng state of the art na barkong Peace Ark na may mga manggagamot at iba pang rescue volunteers.
Nakilala ni G. Binay si Ambassador Ma na isang mabait na tao na nagtangkang mapanatili ang magandang relasyon, lalo na sa kalakalan, sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ani G. Binay, maraming naging hamon subalit naniniwala siyang hindi makahahadlang ang mga ito sa pagsulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Pinagtatangkaan ng Pilipinas at Tsina na matiyak na gaganda ang people-to-people exchanges at lalago ang relasyon sa kalakal at ekonomiya kahit pa mayroong sigalot sa karagatan.
Libong taon na rin naman ang naging relasyon ng mga Pilipino at mga Tsino.
Nanungkulan si Ambassador Ma sa Embahada ng Tsina noong ika-15 ng Enero, 2012 at magtatapos ng kanyang paglilingkod sa pagtatapos ng taong 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |