|
||||||||
|
||
Taong 2013, nakalulumbay
NANINIWALA sina dating Senador Francisco Tatad, dating Secretary to the Cabinet Ricardo Saludo at Arsobispo Oscar V. Cruz na isang malaking hamon para sa liderato ang naranasan ng bansa ngayong 2013.
Binanggit ni dating Senador Tatad na ang karamihan ng mga suliraning hinarap ng bansa ay maituturing na man-made sapagkat na naiwasan sana ito kung naging magaling ang panahalaan sa pagpapatakbo ng burukrasya.
Samantala, sinabi ni G. Saludo na kung maipagpapatuloy sana ang mga palatuntunan ng pamahalaan ay tiyak na mayroong makikitang liwanag at kaunlaran.
Para sa mga panauhin sa pinakahuling edisyon ng Tapatan sa Aristocrat, hindi biro ang naganap na labanan sa Zamboanga samantalang hindi nagtagal ay niyanig ng napakalakas na lindol ang halos buong Kabisayaan. Noong ika-walo ng Nobyembre, tumama naman ang super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.
Binanggit din ni Michael Billington, ang pinuno ng Asia Desk sa nararapat maging pamanuri ang mga nasa pamahalaan kung anong direksyon ng ekonomiya ang nararapat tahakin sapagkat ang mga halimbawa ng Estados Unidos at European Union ay nagpapakita lamang ng kahinaan samantalang ang lakas ay nasa Eurasian Region na kinabibilangan ng Rusya at Tsina at mg apansang nasa Asia – Pacific region.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |