|
||||||||
|
||
20140115melo.m4a
|
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na makikita ang mga mithiin ng bansa sa pagaayos ng budget ng pamahalaan. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa Good Governance Summit sa Philippine International Convention Center kaninang umaga.
Inilunsad ng kanyang pamaalaan sa ika-10 anibersaryo ng Procurement Reform Act ang panibagong mekanismo na nagpapa-unlad sa paraan ng pagbili ng pahalaan ng mga kailangan nito. Makikilala ang programang ito sa pangalang Cashless Purchase Card na ilalabas sa mga ahensya para sa mga babayaran ng maliliit na halaga. Makakahalintulad ito ng credit cards subalit magkakaroon ng ilang pagbabawal ayon sa pangangailangan ng pamahalaan. Hindi na maglalalabs ng mga tseke ang pamahalaan at magkakaroon na ng 80% cashless transactions bago pa man matapos ang taon.
Ani Pangulong Aquino, ang unang bahagi ng CPC program ay magaganap sa unang tatlong buwan ng 2014. Makakabilang sa pilot agencies ang Department of Budget and Management, Department of National Defense at General Headquarters ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Limitado ang kanilang mabibili sa mga medical supplies, pagkain, transporation of official documents, ticket sa eroplano at construction supplies para sa minor repairs.
Kasabay nito ang paglulunsad ng Open Data Philippines na mapapag-aralan ng mga mamamayan mula sa kabuuhang bilang ng mga nagpatalang mga mag-aaral sa mga nakalipas na panahon hanggang sa panukalang budget at procurement data at iba pang datos.
Low Pressure Area, nagdulot ng panibagong problema
LABINGWALONG insidente ng pagguho ng lupa ang naitala at limang mga pagbaha ang naganap sa Regions IX, X, XI at Caraga sa nakalipas na ilang araw at naging dahilan upang masawi ang 24 katao, masugatan ang may 36 na iba pa samantalang nawawala ang may 12 iba pa.
Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, mayroon ding 62,982 mga pamilya o 299,351 katao ang apektado ng sunod-sunod na pagulan. Nagmula ang mga biktima sa 249 na barangay sa 58 bayan sa 14 na lalawigan ang apektado ng low pressure area.
Higit sa isang libo katao ang naantala sa kanilang paglalakbay sa karagatan dahilan sa sama ng panahon. Napuna ang pagbaha sa Saug River sa Asuncion, Davao del Norte, sa Libuganon River sa Kapalong, Davao del Norte samantalang ang mga patubig sa Aragon at Taytayan sa Cateel, Davao Orinetal ang napinsala dahilan sa pagbaha.
Mayroong 70 mga lansangan at 32 mga tulay ang di madaanan sa apat na rehiyon.
Salaping kailangan sa pagpapatayo ng mga paaralan sa Guiuan, Eastern Samar tiyak na
"SCHOOLS TO SCHOOLS PROJECT" SINIMULAN NA. Magtutulungan ang mga paaralan sa buong bansa upang maitayo ang mga napinsalang gusali at maibalik ang mga basic services sa mga mag-aaral. Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro, FSC, sinimulan na ng Brent International School ang pagtulong sa mga paaralan sa Guiuan, Eastern Samar. (Melo Acuna/File Photo)
NANGAKO ang Brent International School Manila, Inc. sa pamamagitan ng Department of Education na maglalaan ng salapi upang itayo ang mga napinsalanang silid-aralan.
Lumagda sa kasunduan ang Brent International School Manila at Kagawaran ng Edukasyon na sinaksihan pa ng punong-bayan ng Guiuan kahapon na nagpapaliwanag kung paano magkakatotoo ang mga ipinangako.
Ang BISM ang mamumuno sa "Schools for Schools" project na naglalayong itayo at ayusin ang Guiuan National High School at Lupok Central Elementary School sa pamamagitan ng pagsisimento, paglalagay ng bubong, pinto, palikuran, tubo ng tubig at electrical systems.
Nagpasalamat si Bro. Armin Luistro sa BISM sa maagap na pagtugon sa kanilang panawagang tumulong sa reconstruction efforts at pakikipagbalikatan.
Pinuri din ni Kalihim Luistro si Guiuan Mayor Christopher Gonzales sa pagpapanatiling mababa ng mga nasawi ni "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |