Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagpasalamat sa international community

(GMT+08:00) 2014-01-10 18:30:57       CRI

NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa international community sa walang humpay at sawang pagtulong sa Pilipinas at sa mga mamamayan.

Sa kanyang talumpati sa tradisyunal na Vin D' Honneur sa Malacanang kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Aquino na nasaksihan ng daigdig ang mga naganap sa bansa mula sa mga trahedyang dulot ng kalikasan hanggang sa kanyang itinuring na man-made calamities. Binanggit niya ang Bagyong Pablo, ang pagbaha dulot ng panahong habagat, sa mga sagupaang naganap sa Zamboanga, sa napakalakas na lindol sa Bohol at hagupit ni "Yolanda" sa malaking bahagi ng kapuluan.

Nakita rin, ani Pangulong Aquino, ang tugon ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na sinabayan ng mga Filipino communities sa buong daigdig. Sa tindi ng mga pagsubok, nakaligtas ang mga Pilipino.

May mga bansang tumugon sa pangangailangan ng Pilipinas at nararapat lamang pasalamatan. May mga bansang sa kauna-unahang pagkakataon ay umambag sa pangangailangan ng mga biktima. Hindi umano malilimutan ng mga Pilipino ang tulong na nagmula sa buong daigdig, lalo't higit sa pamamagitan ng pinahahalagahang "utang na loob" ng mga Pilipino.

PANGULONG AQUINO, PINAMUNUAN ANG VIN D'HONNEUR.  Pinasalamantan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang international community sa walang humpay na pagtulong sa mga Pilipino sa panahon ng kagipitan.  Tradisyunal na idinaraos ang Vin D'Honneur sa bawat Bagong Taon. (Lauro Montellano, MPB/PNA)

TRADISYUNAL NA VIN D'HONNEUR IDINAOS.  Makikita si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto, ang Dean of the Diplomatic Corps sa tradisyunal na toast sa seremonya sa Malacanang kanina.  (Rey Baniquet, MPB/PNA)

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>