Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga turistang Tsino, dumating sa Lungsod ng Legazpi

(GMT+08:00) 2014-01-30 17:30:22       CRI

MGA TURISTANG TSINO MULA XIAMEN, DUMATING SA LEGAZPI CITY.  May 128 mga Tsinong mula Xiamen ang magdiriwang ng "Spring Festival/Chinese New Year" sa Misibis Bay.  Sakay ng kauna-unahang chartered Philippine Air Lines flight mula Xiamen, magtatagal sila ng limang araw at apat na gabi.  Na sa liko ng mga turista ang 2,462-metrong Bulkang Mayon.  (Melo M. Acuna)

KAKAIBA ang magiging pagdiriwang ng mga Tsinong mula sa Xiamen ng "Spring Festival" o pagsalubong sa "Year of the Horse" sapagkat sa Misibis Bay sa Albay sila mananatili ng ilang araw.

PEOPLE-TO-PEOPLE RELATIONS MAGANDA.  Sinabi ni Tourism Undersecretary Ma. Victoria Jasmin na ang turismo ang magiging daan upang higit na magkaunawaan ang mga bansa.  Sa pamamagitan ng people-to-people relations, magiging kapakipakinabang sa mga bansang Tsina at Pilipino ang higit na pagkakaibigan.  Ito rin ang pananaw ni Albay Governor Jose Sarte Salceda.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Undersecretary of Tourism Regulation Coordination & Resource Generation Maria Victoria V. Jasmin, isang magandang pagkakataon ito upang patunayan na ang mga Tsino at mga Pilipino ay magkakaibigan.

Dumating ang mga Tsino kaninang katanghaliang-tapat sa likod ng mga 'di pagkakaunawaan ng mga pamahalaang Tsino at Pilipino sa usapin ng South China Sea. Sa panayam bago dumating ang mga turistang Tsino, sinabi ni Bb. Jasmin na malaki ang pagkakataong makinabang ang Tsina at Pilipinas sa pamamagitan ng industriya ng Turismo.

Ito umano ang unang pagkakataon na nagkaroon ng direct flight ang Philippine Air Lines mula sa Xiamen patungong Legazpi City.

Hindi niya umano mawari na kakayahing magkaroon ng mga panauhing mula sa Tsina sa pinakamadaling panahon. Nagkaisa ang pamahalaan at pribadong sektor upang magkatotoo ang mga pagdalaw ng mga Tsino.

Ayon kay Undersecretary Jasmin, sa unang pagkakataon, 128 mga Tsino ang dumadalaw sa Legazpi City at mananatili sa Misibis Bay. Masusundan pa sila ng isa pang grupo sa ikatlong araw ng Pebrero na mayroong 150 mga panauhin.

Idinagdag pa ng opisyal ng Kagawaran ng Turismo na ang pagdalaw ng mga panauhin ay maaaring maging tulay sa pagitan ng dalawang bansa.

Target ng Pilipinas ang mga turistang mula sa Timog Korea, Tsina at Japan kahit pa nakatanaw ang Kagawaran ng Turismo sa malalayong bansa para sa long haul flights sapagkat mayroong mga turistang nais makalayo sa lubhang lamig at pag-ulan ng yelo kaya't malaki ang pagkakataong dumalaw sila sa Pilipinas.

Para kay Ian Mayer Varona, General Manager ng Misibis Bay, ang pagdalaw na ito ay mula sa pagtutulungan ng Lalawigan ng Albay at mga ahensya ng pamahalaan na nagpadala ng mga tauhan mula sa Quarantine Service, Bureau of Customs at maging sa Bureau of Immigration. Kasama ang China International Travel Service sa proyektong ito. May 250 milyong mga naglalakbay na Tsino sa bawat Spring Festival kaya't naglakas-loob ang Albay na maglunsad ng palatuntunan upang madagdagan ang pagpipilian ng mga turistang Tsino mula sa Bohol, Boracay, Cebu at Palawan.

Mananatili ang mga Tsino sa Albay ng limang araw at apat na gabi at makakapasyal sa magagandang tanawin sa Albay at Sorsogon. Umaasa silang magkakaroon ng sunod-sunod na biyahe sa pagitan ng iba't ibang lungsod sa Tsina at Lalawigan ng Albay.

Ayon kay Albay Governor Jose Sarte Salceda, malaking bagay ang pagbubukas ng lalawigan sa daigdig ng turismo. Sa pagkakaroon ng may 150,000 turista na gugugol ng may US $1,000 bawat isa, maliwanag na anim na bilyong piso ang papasok sa ekonomiya ng lalawigan.

Ani Gobernardo Salceda, ang mga Tsino ang ikalawa sa pinakamalaking gumastos sa kanilang paglalakbay. Pumapangalawa lamang sila sa mga turistang mula Russia.

Umaasa ang gobernador na hindi magtatagal ay magkakaroon din ng direct flights mula Shanghai, Beijing at iba pang mga lungsod. Target din nila ang Incheon sa Timog Korea sa pamamagitan naman ng Cebu Pacific.

Sa pagkakaroon ng mga 'di pagkakunawaan sa isyu ng South China Sea, sinabi ni Governor Salceda na sa pagdalaw ng mga Tsino ay magkakaroon ng higit na pag-unawa sa pagitan ng mga Pilipino at Tsino.

Idinagdag pa ni Governor Salceda na marami rin namang mapapasyalan ang mga mga panauhin sa Albay at mga kalapit lalawigan. Nakatulong din ang Embahada ng Tsina sa Pilipinas sa palatuntunang ito upang magkatotoo ang matagal nang mithi ng mga taga-Albay.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>