|
||||||||
|
||
IKINALUNGKOT ng Pamahalaan ng Pilipinas ang desisyon ng Hong Kong Special Autonomous Region ang pagpapataw ng sanctions laban sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkuha ng bisa para sa mga Philippine official at diplomatic passport holders, na karaniwang ibinibigay sa mga opisyal na nasa opisyal na paglalakbay patungong Hong Kong.
Nakalulungkot umano ang pangyayaring ito sapagkat nagkaroon na ng closure ang naganap sa Quirino Grandstand higit sa tatlong taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng dating namumuno sa Hong Kong at sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Nanawagang muli ang Hong Kong noong Oktubre 2013 at tumugon ang Pilipinas sa karagdagang simbolo ng pakikiisa ng mga mamamayan. Ang mga iniaalok na halaga ay higit sa mga tinanggap ng mga biktima at kanilang mga pamilya, dagdag pa ni G. Raul Hernandez.
Nagkasundo na umano sa halagang iniaalok subalit nagkaroon ng panibagong pag-uusap sa kahilingan ng pamahalaan ng Hong Kong na humingi ng tawad ang Pamahalaan ng Pilipinas na hindi naman magagawa. Ipinarating na umano ng Pilipinas ang pakikiramay sa mga naulila at nasugatan sa insidente at handang ulitin ito.
Handang magbigay ng karagdagang salapi ang Pilipinas bilang pagpapadama ng pakiki-isa sa mga naulila at nasugatan sa pinakamadaling panahon.
Tiniyak ni G. Hernandez sa mga Pilipino na ginawa na ng Pamahalaan ng Pilipinas ang magagawa upang matugunan ang mga isyung bumabalot sa Quirino Grandstand Issue.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |