|
||||||||
|
||
MALUGOD na ibinalita ni Kalihim Arsenio M. Balisacan, ang economic planning secretary ng bansa na nakamtan ng Pilipinas ang 6.5% growth sa huling tatlong buwan ng taon kaya't sa buong 2013 ay natamo ang 7.2% growth sa Gross Domestic Product.
Sa isang press briefing, sinabi ni Kalihim Balisacan na lumago ang ekonomiya ng higit sa kanilang tinaya na 6.0 hanggang 7.0% para sa 2013 matapos maharap sa matitinding hamon mula sa mga naganap sa gitna at katimugang bahagi ng Pilipinas mula Setyembre hanggang Disyembre.
Higit na mas maganda sana ang matatamong kaunlaran kung hindi nagkagulo sa Zamboanga noong Setyembre, niyanig ng lindol ang Bohol noong Oktubre at hindi binagyo ang Samar, Leyte, Iloilo at iba pang mga lalawigan noong Nobyembre.
Sa pangyayaring ito, nananatili ang Pilipinas na isa sa pinakamagandang ekonomiya sa Asia sa ikaapat na quarter ng 2013 at pumangalawa lamang sa Tsina na umunad ng 7.7%.
Nagmula sa services at industry sectors ang pagpapaganda at pagpapayabong ng ekonomiya ng bansa. Naka-ambag ang services sector ng 3.6 percentage points ng real GDP growth sa ika-akat na tatlong buwan ng 2013. Sinundan ito ng industry sector na nagkaroon ng 2.8 percentage points at pagsasaka na nag-ambag ng 0.1 percentage point.
Sa larangan ng supply side, sa ika-apat na tatlong buwan, lumago ang manufacturing, trade, finance at real estate.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |