|
||||||||
|
||
BRITISH FOREIGN MINISTER WILLIAM HAGUE, DUMALAW KAY PANGALAWANG PANGULO JEJOMAR C. BINAY. Sinalubong ni Pangalawang Pangulong Binay si Kalihim Hague sa kanyang tanggapan sa Coconut Palace kaninang umaga. Pinasalamatan niya ang panauhin sa patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ni "Yolanda." (OVP Photo)
SA kanyang pagdalaw sa kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, tiniyak ni United Kingdom Foreign Minister William Hague na tuloy ang pagtulong ng kanyang bansa sa rehabilitasyon ng mga napinsala dala ng bagyong "Yolanda."
Suportado rin ng kanyang bansa ang peace process sa Mindanao matapos lumagda ang Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa isang annex na magiging daan tungo sa comprehensive peace agreement.
Ikinatuwa rin niyang makadaupang-palad ang mga sangkot sa Mindanao peace negotiations.
Layunin ng kanyang pagdalaw ang higit na mapalakas ang relasyon ng United Kingdom sa mga bansang nasa timog silangang Asia. Nakadaupang-palad rin niya si Pangalawanga Pangulong Jejomar C. Binay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |