|
||||||||
|
||
SINABI n Fr. Carlos Ronquillo na bukod sa pagkain at masisilungan, nangangailangan ang mga biktima ni "Yolanda" ng psychological counseling upang makabawi ang mga biktima at makapagsimulang muli.
Si Fr. Ronquillo ang director ng St. Alphonsus Theological and Mission Institute of the Philippines. Anang pari, bukod sa pagkain at iba pang pangangailangan, mahalagang magkaroon ng psychosocial intervention.
Ang pakikinig sa kanilang mga karanasan ay makakapagpagaan ng kanilang dinadala. Ito ang kanyang sinabi sa panayam ng Vatican Radio. PInagusapan nila ang tindi ng pinsalang idinulot ng bagyong "Yolanda."
Umabot na sa 6,201 ang nasawi, 28,626 ang nasugatan samantalang may 1,785 ang nawawala ayon sa pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Fr. Ronquillo na sa kawalan ng pag-asa ng mga mamamayan, pagkain, damit at pabahay ang naibibigay ng Simbahan kaya't kailangang bigyang halaga ang psychological counseling.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |