|
||||||||
|
||
melo20140204.m4a
|
KAILANGANG MAG-USAP ANG HONG KONG AT PILIPINAS. Ito ang mungkahi ni Prof. Richard Heydarian ng Ateneo de Manila University matapos lumabas ang balitang kailangan na ng visa ng mga opisyal at diplomata ng Pilipinas na maglalakbay patungong Hong Kong. Naiwasan ang diplomatic crisis sa pag-itan ng Taiwan at Pilipinas sa maayos na pag-aaral ng mga isyu. (Melo Acuna)
SA kauna-unahang pagkakataon, nagpataw ang kakaibang kalakaran ang pamahalaan ng Hong Kong sa Pilipinas dahilan sa pagtanggi ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na humingi ng paumanhin kasunod ng madugong Luneta hostage crisis noong 2010.
Ito ang paniniwala ni Professor Richard Heydarian ng Ateneo de Manila University sa isang panayam kaninang umaga. Ayon sa mga pumupuna sa ginawa ng Hong Kong, isang paraan lamang ito upang madama ang kanilang presensya sa pandaigdigang larangan. May koneksyon din ito sa kakulangan ng popularidad ng pinuno ng Hong Kong at isang paraan upang makamit ang suporta mula sa mga mamamayan.
Sa kakulangan ng paghingi ng paumanhin ng pamahalaan ni Pangulong Aquino, nagbanta na ang Hong Kong ng kaukulang hakbang. Bagaman, lumabas ang hindi pagkakasundo at problema sa pagitan ng Hong Kong at Pilipinas sapagkat ang target ng visa requirement ay tanging mga opisyal ng Pilipinas at mga diplomata.
Hindi nasangkot ang may 160,000 mga manggagawang Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong at ang libu-libong mga turistang Pilipino.
Isa itong calibrated measure at hindi mawari kung ano ang susunod na hakbang.
Sa mga pumupuna Pamahalaang Pilipino, nanatiling matigas ito sa desisyong hindi humingi ng paumanhin sa mga biktima. Naniniwala umano ang Administrasyong Aquino na kung may pagkukulang ang pamahalaan ay nakasalalay ito sa Pamahalaang Lokal ng Maynila. Kumilos na umano ang ibang sektor upang makatulong sa mga biktima.
Hindi pa sapat ang ginawang paghingi ng paumanhin ni Mayor Joseph Estrada ng Maynila.
Idinagdag ni Professor Heydarian na kailangang magkaroon ng pag-uusap at negosasyon ang magkabilang-panig. Ipinagunita niya ang naganap noong nakaraang taon sa pagkasawi ng isang mangingisdang Taiwanes at sa likod ng mga tensyon, naiwasan ang malaking diplomatic crisis sa pagkakaroon ng maayos at masusing pag-aaral sa mga isyu.
Kailangan ang parallel diplomatic discussions at public relations strategy upang maiwasan ang mainitang pagpapalitan ng maaanghang na mga kataga.
Ipatutupad ng Hong Kong ang kanilang visa requirement mula bukas, ika-lima sa buwan ng Pebrero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |