Korte Suprema, may bagong kautusan
INATASAN ng Korte Suprema ang Department of Justice at National Bureau of Investigation na alamin ang bagong impormasyon na ang taong dumukot kay Jonas Burgos ay iisang taong sangkot sa pagdukot ng mga tagasunod ni dating Pangulong Joseph Estrada na inakusahan ng pagpaslang sa ilang opisyal ng dating Arroyo Administration.
Ayon sa mga balitang lumabas sa media, sa isang press conference, hiniling ng Korte Suprema kay Edita Burgos, ina ni Jonas na ibigay ang sipi sa DoJ at NBI ng mga dokumentong nagpapakita ng koneksyon sa pagkawala ni Jonas Burgos at ng tinaguriang "Erap 5."
Dinukot ang limang kasapi ng Union of Masses for Democracy and Justice sa isang tahanan ng isang kasapi noong 2006. Nabatid na mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang dumakip sa lima kasunod na mg balitang papatayin nila ang ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo. Kagyat silang pinalaya. Dinukot naman si Jonas noong 2007.
1 2 3 4 5 6