|
||||||||
|
||
Obispo, nabahala sa paggamit ng mga bata ng BIFF
NABAHALA si Basilan Bishop Martin S. Junoad sa sinasabing paggamit ng mga menor de edad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pakikipaglaban sa mga kawal ng pamahalaan sa Maguindanao.
Sa isang panayam, sinabi ni Bishop Jumoad na nararapat lamang kondenahin ang paggamit sa mga bata bilang mandirigma. Hindi katanggap-tanggap ang gawaing ito, dagdag ng obispo sa panayam ng Radyo Veritas.
Nararapat lamang pigilan ng mga kapatid na Muslim ang gawaing ito ng kanilang mga kasama. Hindi magiging payapa ang Mindanao hanggang may mga kabataang namumulat sa kaguluhan, dagdag pa ng obispo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |