![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Salaping para sa infrastructures, lumago
IBINALITA ni Budget and Management Secretary Florencio B. Abad na bilang tugon sa pangako at programa ng Administrasyong Aquino na mapasigla ang ekonomya at madama ang malawakang kaunlaran, nagkaroon ng double-digit growth levels kung ihahambing sa nakalipas na taon. Lumago ito at natamo ang 20.5% o P 37.9 bilyong increase sa pagtatapos ng Nobyembre.
Umabot din ang pangakalahatang inilabas na salapi at natamo ang P 1.677 trilyon sa pagtatapos ng Nobyembre at mas mataas ng 9.2% o mas mataas ng P 141.7 bilyon kasya ipinalabas na salapig P 1.535 bilyon kahit pa nagkaroon ng mga kalamidad sa huling tatlong buwan ng 2013.
Ayon kay Kalihim Abad, kahit pa nagkaroon ng sunod-sunod na trahedya at nagkaroon ng masamang epekto sa pamahalaan ang mga ito, nagpatuloy pa rin ang paglalabas ng salapi para sa mga pagawaing-bayan.
Layunin ng pamahalaang matiyak ang mas magandang uri at antas ng mga pagawaing-bayan, dagdag pa ni G. Abad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |